INANG KALIKASAN
Awtor : Faith Fabiala
" Maging matalino sa paggamit ng kalikasan, wag abusuhin, kundi ito'y sinupin at pagyamanin."
- by Dr. Jose Rizal
Ang ating kalikasan ay biyayang pinag kaloob sa atin ng ating panginoon. Ito ay tirahan ng iba't ibang uri ng hayop, halaman at mga punong kahoy. Maraming tayong pakinabang sa kalikasan dahil kadalasan dito tayo kumukuha ng ating mga kinakailangan tulad ng kahoy na ginagamit para sa konstruksyon ng bahay. At ng mga halamang gamot kung tayo ay may sakit.
Sa pag dating ng maka bago at modernong panahon tuluyan ng nag lalaho ang ganda ng ating kalikasan. Ilang libong kabundukan at puno ang sinira para sa konstruksyon ng mga nag tataasang gusali at subdibisyon. Mga hayop na binenta at pinag kakitaan. At ang anyong tubig na dati ay malinaw at malinis ngunit ngayon naging madumi at mabaho na.
Dahil sa pang aabusong ito marami sa atin ang napapahamak sa biglaan na lamang pagbaha o pagragasa ng tubig sa kanilang tahanan na dati naman ay hindi nangyayari.
Ang mga nag lalakihang mga sawa at ahas na naliligaw sa syudad ay sanhi din ng pang aabuso at pagsira sa kalikasan. Sa pagsira ng kanilang tahanan nawalan sila ng maayos na tirahan at pagkain na maaring nag tulak sa kanila na pumunta sa syudad upang mag hanap ng bagong tahanan at pagkain.
Ilang libong mga hayop lalong lalo na ang mga ibon ang nawalan ng tirahan at napilitang umalis at humanap ng kanilang bagong tirahan.
Sa ating karagatan, makikita ang mga lamang dagat na na ginawang bahay na ang mga plastik o kaya naman ay na-stuck sa kanilang katawan naturang plastik.
Tunay nga namang kapag pinabayan ang ganda ay tuluyang nag lalaho. Katulad ng ating kalikasan noon isa itong napaka gandang biyaya ng panginoon ngunit dahil sa kapabayaan at pang aabuso ito ay unti unting ng nag lalaho.
Bilang isang kabataan hindi pa huli
ang lahat, napakarami pa nating pupwedeng gawin upang maisalba ang ating Kalikasan. Mag simula muna tayo sa pag mulat ng ating mga mata at hanapin ang tunay na kahalagahan ng kalikasan. Maging bukas tayo at aktibo sa mga isyu na nasasangkot ang ating kalikasan. At kung maari iwasan ang mga bagay o gawain na alam natin na may masamang maidudulot sa kalikasan.
Katotohanan tungkol sa awtor :
Ako si Faith Irish Señorin Fabiala, 20 taong gulang mula sa San Jose, Batangas. Kasalukuyan akong nasa ikatlong taon ng
kolehiyo at kumukuha ng kursong Sikolohiya.
Malapit sa akin ang inang kalikasan dahil lumaki ako sa bukid kung saan ito ay napapalibutan ng matatayog at nag lalakihang mga puno, sariwang hangin at magagandang tanawin.
Comments
Post a Comment